the final episode
hhhmm.. hindi ko alam kung pano ako magsisimula, basta ang alam ko lang hindi ako panatag simula sa araw na to, madami na akong nagawang pagkakamali at yung pressure sa akin ay hindi ko alam kung makakayanan ko pa, hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal dito pero parang isang pagkakamali ko na lang eh bibinggo na ako, napakadami ko nang frustrations at parang lahat ay nageexpect na mageexcel ako sa ginagawa ko, masyado akong natuwa, akala ko eh ok lang babalik at babalik din pala, panahon na kaya para umalis ako ng walang paalam, o harapin ko lahat, ganun din naman yun eh, nagsimula yung araw ko na nasira yung mga kanta sa phone ko- tapos balitang hindi kaaya aya nanaman, parang lahat ng plano ko mababalewala nanaman- yung iba dahil kagagawan ko din, yung iba hindi ko inaasahan, yung iba parang napakamalas ko lang talaga, kung talagang nandyan ka. humihingi ako ng tulong, hindi ko na gagalawin yon, tulungan mo ako kung anong dapat gawin.